Duran vs Onate sa Zambales
August 9, 2002 | 12:00am
Idedepensa ni Samuel Duran ang kanyang Philippine featherweight crown kontra sa top challenger na si Jeffrey Onate ng Sta. Cruz, Zambales sa Zambales Gymnasium, Iba, Zambales bukas ng alas-6 ng gabi.
Ito ang unang depensa ni Duran sa titulong napagwagian niya mula kay Baby Lorona Jr. sa pamamagitan ng split decision noong Disyembre 22 noong nakaraang taon.
Hawak ni Onate ang home crowd sa kanyang kampanyang masilat si Duran, na tumalo sa kanya sa kanilang unang pagkikita noong Agosto noong nakaraang taon.
Ang nasabing laban ay promoted ng L. Marty Boxing Promotion sa koordinasyon ni Rep. Ruben Torres at Gov. Vicente Magsaysay na magtatampok rin kina RP No. 3 flyweight contender Albert Cesa kontra RP No. 7 flyweight Franklin Macalibo.
Nakalinya rin ang isa pang 10-round bout sa pagitan nina dating RP superflyweight champion Eric Barcelona ng Bukidnon at Joel Bauya na siyang hinahasa ng L & M gym na maging isang Manny Pacquiao sa hinaharap.
Isang eight-rounder, dalawang six rounders at dalawang four rounders ang siyang kukumpleto sa nabanggit na bout kung saan ang mga ticket ay mabibili sa halagang P100.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended