16-man tracksters nagpunta ng Sri Lanka

Labing-anim na mahuhusay na miyembro ng Philippine Team ang binuo upang tumulak patungong Sri Lanka ngayon para makakuha ng sneak preview sa kampanya ng bansa para sa medalya sa nalalapit na Asian Games sa pamamagitan ng Asian Championships sa Aug. 9-12.

Sa pangunguna ni Eduardo Buenavista, makikipagtagisan ng lakas ang koponan sa ilang best tracksters ng mahigit sa 40-bansang kalahok sa major event ng Asian Amateur Athletic Association (4As) calendar.

"We already have an idea on who will compose the RP Team for Asian Games in Busan, Korea. But we still have a more than a month before the Asian Games so we made it clear to the athletes that they must continue earning their slots in the elite team we intend to form," ani Go Teng Kok, head ng Philippine Amateur Track and Field Association nang maging panauhin ito kahapon sa PSA Forum bago tumulak patungong Sri Lanka kahapon.

Lalahok si Buenavista, isang 3,000M steeplechase specialist sa 5,000 meter lamang dahil kasalukuyan siyang nagpapagaling sa minor na injury sa tuhod, habang naka-recover na sina 800 meters John Lozada at sprinter Ernie Candelario sa lagnat.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina decathlete Fidel Gallenero, high jumper Sean Guevarra, long jumper Joebert Delicano, Dandy Gallenero (javelin), marathoners Allan Ballester at Roy Vence, Rodrigo Tanuan, Ronnie Marfil, Jimar Aing, Lerma Bulauitan, Genalyn Amandoron, Marestella Torres at Narcisa Atienza.

Show comments