^

PSN Palaro

Blue Eagles mas mabagsik sa Falcons

-
Nagpasiklab si Enrico Villanueva nang pumukol ito ng 25 puntos upang trangkuhan ang Ateneo de Manila U sa come-from-behind 79-73 panalo kontra sa Adamson kahapon sa pagpapatuloy ng 65th UAAP men’s basketball tournament sa Makati Coliseum.

Ang panalo ay naghatid sa Blue Eagles na makisosyo sa ikalawang puwesto sa pahingang University of the East matapos na magposte ng magkatulad na 4-2 win-loss slate, habang nalasap naman ng Falcons ang kanilang ikatlong pagkatalo matapos ang limang laro.

Humataw si Villanueva na ngayon ay nasa huling taon na sa Ateneo ng 10 puntos sa final period kabilang ang walo mula sa 18-8 salvo ng Blue Eagles upang itabla ang iskor sa 56-all, bago naagaw ang trangko sa 10-puntos, 74-64 may 4:10 ang nalalabi sa tikada.

Sa sumunod na play, inilagay ni Jeck Chia ang Ateneo sa kampanteng katayuan nang magsalpak ng dalawang sunod na tres upang makabawi mula sa dalawang sunod na kabiguang nalasap sa mga kamay ng University of the Philippines, 53-49 at University of the East, 76-73.

Makaraang maghabol sa first quarter, 13-16, nagawang agawin ng Falcons ang kalamangan sa 38-33 mula sa pagsisikap nina Melvin Mamaclay na umiskor ng 11 mula sa kanyang 15 puntos at Richard Alonzo na nagdag-dag naman ng 11 puntos.

Subalit, unti-unting nakabalik ang Blue Eagles nang kumayod si Lewis Alfred Tenorio upang isara ang third canto sa 56-all. (UIat ni Maribeth Repizo)

ATENEO

BLUE EAGLES

ENRICO VILLANUEVA

JECK CHIA

LEWIS ALFRED TENORIO

MAKATI COLISEUM

MANILA U

MARIBETH REPIZO

MELVIN MAMACLAY

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with