Kumawala sa ikalawang quarter ang Aces habang tuluyan namang nanghina ang Nationals sa second half na siyang naging daan sa ikaanim na panalo ng Alaska sa 9-pakikipaglaban na naglapit sa kanila sa twice-to-beat advantage na ipinagkakaloob sa top-four teams.
Ang pagkatalong ito ng RP-Selecta ay ikaanim sa siyam na pakikipag-laban ang naging hudyat ng kanilang maagang pagbabakasyon mula sa torneong ito na magbibigay sa kanila ng pagkakataong mag-concentrate sa kanilang preparasyon para sa Asian Games na gaganapin sa Setyembre sa Busan, South Korea.
Sa pangunguna ni Ajani Williams na umiskor ng 12 sa kanyang tinapos na 24-puntos sa unang canto, humarurot ang Aces sa 45-38 pangunguna sa pagsapit ng first half.
Hindi nagkaroon ng pagkakataong bumawi ang RP-Team sa second half nang silay malimitahan sa 12 at 9-puntos sa ikatlo at ikaapat na quarter, ayon sa pagkakasunod.
Bunga nito, nalibre sa pagsulong sa quarterfinal round ang FedEx Express, Shell Velocity at Talk N Text kung saan nauna nang nakapag-reserba ng puwesto ang Sta. Lucia Realty, Alaska, San Miguel Beer at defending champion Batang Red Bull na tanging koponan pa lamang na may twice-to-beat ticket. (Ulat ni Carmela Ochoa)