^

PSN Palaro

Guam, Japan kampeon sa Asia Pacific Little League Championships

-
Gaya ng inaasahan, muling ipinadama ng Guam ang kanilang su-premidad nang kanilang talunin ang Saipan, 6-4 sa extended inning, habang dinurog naman ng Japan ang Korea, 6-1 upang makopo ng dalawa ang titulo sa Pacific Region at Asia Region, ayon sa pagkakasunod sa pagtiklop ng Asia-Pacific Little League championships sa Rizal Memorial ball-park.

Hindi hinayaan ng Guam na maagaw sa kanila ang korona nang mula sa huling inning, isang malaking pag-ahon ang kanilang ginawa na naging daan upang pigilan ang Saipan sa kanilang panalo.

Abante ang Guam sa 2-1, kumana ang unang batter ng Saipan na si Shane Yamada ng home-run upang itabla ang iskor sa 2-all.

Ang dalawang sumunod na batters na sina Jesus Borja at Yashua Ariola ay kapwa na-patse para sa dalawang out.

Sa sumunod na play, humataw si Vince Zablan ng single at ninakaw ang second at third base ng magkasunod upang makarating sa scoring posisyon.

Pagpalo ng sumunod na batter na si Mariano Lisua, ang bola ay gumulong patungong center-field at nagbigay daan kay Zablan para makarating sa homeplate.

Dahil dito, nagsimulang magtakbuhan ang lahat sa field at nagyaka-pan bilang pagdiriwang sa kanilang panalo kasama ang mga coaches ng Saipan.

Bunga ng pangyayaring ito, hindi na tumuloy si Lisua sa first base at sa halip ay bumalik upang makisaya sa mga nagdiriwang.

At dito nakakita ng pagkakataon ang Guam pitcher na si Hosea Ware na hawak pa ang bola ay biglang tumakbo at tinapalan ang first base bilang appeal play.

Dahil dito, tinawagan ng umpire si Lisua na out at ang run ni Zablan ay nabura, ayon na rin sa rules ng baseball.

Sa halip na panalo na ang Saipan dahil tapos na ang laro, nagkaroon tuloy ng extra inning na siyang naging mitsa ng Guam sa kanilang pagbangon.

ASIA REGION

ASIA-PACIFIC LITTLE LEAGUE

DAHIL

HOSEA WARE

JESUS BORJA

LISUA

MARIANO LISUA

PACIFIC REGION

RIZAL MEMORIAL

SAIPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with