Spring Cooking Oil tinusta ang Forward Taguig

Pinagulong ng defending champion Spring Cooking Oil ang Forward Taguig, 94-87 noong Miyerkules sa Lyceum gym upang palakasin ang kanilang kampanya sa pagpapatuloy ng 4th Danny Espiritu Invitational Open Cup basketball tournament.

Pinangunahan ni Joel Co ang apat na iba pang manlalaro sa pagkamada ng double figures upang ibigay ng Spring cagers na pag-aari nina national shooting champion Nathaniel ‘Tac’ Padilla ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos ang apat na laro sa tourney na ito na sponsored ng Spring Margarine, Morning Star Tours and Travel, Red Bull, Purefoods, Alaska, SMB, Coca-Cola, Ginebra San Miguel, Sta. Lucia Realty, FedEx, Shell at Talk ‘N Text at suportado ng Milo at Adidas.

Magpapatuloy ang aksiyon ngayon sa Lyceum gym kung saan magsasagawa ng debut ang Wangs Ball Club kontra sa Pasay team ni Mayor Pewee Trinidad sa alas-7 ng gabi, habang tangka naman ng Hartman Seigle ang kanilang ikaapat na panalo laban sa Homer Mercado Builders sa alas-8:30 ng gabi.

Show comments