Si Leo Austria ang bagong Coach ng Welcoat Paints!

Si Leo Austria, dating coach ng Shark Energy Drinks sa PBL, ang siyang magiging coach ng Welcoat Paints sa sigurado nang pagbabalik nito sa PBL.

Si Leo Austria ay dating kalaban ng Welcoat dahil madalas na kalaban ng Paintmasters ang Shark. Ngayon, kakampi na nila si Austria.

Si Jing Ruiz na raw ang siyang magiging head coach ng Shark-Regent Foods team.

Samantala, sa September 15 pa magpapa-try-out ang bagong Welcoat team.
* * *
Mabuhay ang Adamson Falcons ni Luigi Trillo!

Nanalo sila sa FEU Tamaraws at yan ay isang malaking panalo para sa kanila.

Ngayon, marami na ang nagsasabing malakas ang tsansa nila na makapasok sa Round of Four.
* * *
Patuloy ang ratsada ng Red Bull sa PBA.

Kaya naman lahat eh maganda ang ngiti sa Photokina office ng Red Bull dahil sa patuloy na magandang showing ng mga bata ni coach Yeng Guiao.

Kapag second conference talaga eh hataw na hataw ang Red Bull!

Kaya ba laging masaya ngayon sina team owner George Chua at Raffy Casyao?
* * *
Ang PBL ang makikinabang sa pagkawala ng MBA.

Tiyak na dahil wala na silang masasalihan, sa PBL tatakbo ang maraming MBA teams.

Kaya lang, yung mga dating professional players ay biglang magiging amateur na ulit.

So far ang nadinig namin, ang Cebu Lhuillier at Batangas LBC ay papunta na sa PBL.
* * *
Nagalit na ang isang college coach sa dami ng mga bading na umaali-aligid sa kanyang mga players.

Nagbigay siya ng ultimatum sa kanyang mga players. Kapag nahuli niyang may bading o sponsor ang kahit sino sa players niya, sikat man ito o hindi, tatanggalin niya sa team.
* * *
Hirap na hirap nang makaahon ang isang team sa sunod-sunod na pagkatalo nila.

Nagpakawala na sila ng isang player nila.

Pero mukhang mali ang pinakawalan nilang player.

May isang anay sa kanilang team na dapat matanggal.

Yan ang dapat nilang alamin kung gusto pa nilang maka-ahon.
* * *
Personal: Happy happy birthday kay Niel John Canson na apo na nina coach Nat at Tess Canson. Nasa Indonesia ngayon ang mag-asawang Nat at Tess at doon ay patuloy na namamayagpag si Nat bilang imported coach.

Show comments