^

PSN Palaro

"Tac" Padilla, nagposte ang panibagong Phil. record

-
Umasinta ang multi-titled na si Nathaniel "Tac" Padilla ng 572 puntos noong nakaraang Sabado upang muling magposte ng panibagong Philippine record sa standard pistol competition ng kasalukuyang National Shooting eliminations para sa Busan Asian Games sa PSC range sa Fort Bonifacio.

Tumudla ang 37-anyos na si Padilla, general manager ng Spring Cooking Oil ng 189, 193 at 190 sa 150-, 20- at 10-second stages, ayon sa pagkakasunod upang wasa-kin ang 569 marka noong nakaraang October 27 noong nakaraang taon.

"I felt good throughout the competition. My timing was near perfect and I didn’t feel any pressure at all," pahayag ng beteranong internationalist makaraan ang kanyang magaang na tagumpay kontra Carlos Vincent Medina na nagpatumba ng 533 at Arthur Cabinian na nagtala ng 528.

Ang tagumpay ni Tac ay kanyang iniaalay sa kanyang ama na si dating Olympian Mariano ‘Tom’ Ong na siyang tumutulong sa kanyang preparasyon.

Dinomina rin ni Padilla ang kanyang dalawang paboritong events ang rapid fire pistol at center fire pistol.

Siya ay bumaril ng 572 puntos upang talunin si Medina (561) at ang kanyang kapatid na si Donald Padilla (528) sa rapid fire at 574 naman ang kanyang pinatumba upang gapiin si Gilbert Escobar (569) at Medina (557) sa center fire.

Kumulekta si Padilla ng iskor mula sa 98, 97, 96 at 8-6 at 4-seconds stages, ayon sa pagkakasunod para sa kanyang kabuuang 291 sa first round at 96, 97 at 77 para sa 281 sa second round upang kumpletuhin ang kanyang makasaysayang rapid fire performance.

At sa center fire, kumana si Padilla ng 93, 95, 95 para sa 282 sa precision at 98, 98 at 96 para sa 292.

ARTHUR CABINIAN

BUSAN ASIAN GAMES

CARLOS VINCENT MEDINA

DONALD PADILLA

FORT BONIFACIO

GILBERT ESCOBAR

KANYANG

NATIONAL SHOOTING

OLYMPIAN MARIANO

PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with