Stags lusot sa Bombers
July 30, 2002 | 12:00am
Natakasan ng defending champion San Sebastian College ang isang mainit na rally ng Jose Rizal University sa ikaapat na quarter upang isulong ang 83-75 panalo sa UAAP mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Limang tres ang pinakawalan ng Heavy Bombers sa ikaapat na quarter, tatlo nito ay galing kay Joel Villarin na siyang naglapit ng score sa 64-66, patungo sa huling 4:45 oras ng labanan.
Ngunit ginising ni Christian Coronel ang kanyang mga kasamahan upang pigilan ang pag-aalsa ng Jose Rizal nang kanyang ikonekta ang dalawang free-throws at sinundan ng mga krusyal na baskets nina Leomar Najorda at Roy Falcasantos na siyang naghatid sa Baste sa panigurong 78-70 kalamangan, 48 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Ito ang nagkaloob sa Baste ng kanilang ikatlong panalo matapos ang limang pakikipaglaban habang nalasap naman ng Jose Rizal ang kanilang ikatlong pagkatalo sa 5-laro.
Pinangunahan ni Coronel ang San Sebastian sa kanyang hinakot na 22-puntos na sinegundahan ni Jam Alfad sa paghakot ng 17 habang sina Pep Moore at Najorda ay may 13 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod.
Sa unang laro, naging matagumpay din ang junior counterparts ng San Sebastian na Staglets matapos nilang pasadsarin ang Light Bombers, 62-59.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest