^

PSN Palaro

Huling baraha ng Purefoods

-
Naghihingalo na ang Purefoods TJ Hotdogs sa kanilang kampanya sa kasalukuyang PBA- Samsung Commissioner’s Cup ngunit may pag-asa pa para sila’y makarating sa quarterfinal round.

Ang tanging tsansa ng TJ Hotdogs para makapasok sa susunod na round ay ipanalo ang kanilang huling tatlong asignatura kabilang ang kanilang laro ngayon kontra sa RP-Selecta team.

Nakatakda ang laban ng Purefoods at Nationals sa alas-7 ng gabi sa nag-iisang laro ngayon sa Cuneta Astrodome.

Parehong nakalugmok sa four-game losing streak ang Selecta at ang Purefoods, ang diperensiya nga lamang ay mas nakakaangat ang Nationals dahil sa kanilang 2-5 record habang ang TJ Hotdogs ay kulelat dahil sa kanilang 1-6 kartada.

Wala pa ring magandang bunga ang pagpapalit ng TJ Hotdogs ng kanilang imports. Kahit isinalang ng Purefoods ang kanilang pinakahuling recruit na si Warren Rosegreen na pumalit kay Gabe Muoneke, sumadsad pa rin ang Purefoods.

Sa likod ng kanilang bagong armas, nalasap ng Purefoods ang 76-85 kabiguan kontra sa FedEx noong Huwebes ngunit inaasahang kakaibang Rosegreen ang masisilayan ngayon upang makabangon ang TJ Hotdogs.

Bukod kay Rosegreen, inaasahang pag-iibayuhin din ni Chris Morris ang kanyang performance upang manatiling buhay ang pag-asa ng TJ Hotdogs.

Bagamat importante sa RP-Selecta ang manalo, higit na mahalagang pagtuunan nila ng pansin ang kanilang isinasagawang preparasyon para sa kanilang partisipasyon sa nalalapit na Asian Games sa Busan, South Korea.

Naririyan sina Eric Menk, Rudy Hatfield, Asi Taulava, Kenneth Duremdes at Olsen Racela para sa Nationals.

Napasakamay na ng defending champion Batang Red Bull ang unang twice-to-beat ticket na ipinag-kakaloob sa top four teams pagkatapos ng eliminations habang bukod sa Thunder, nakakasiguro na rin sa eight-team quarterfinals ang Sta. Lucia Realty, Coca-Cola Tigers at San Miguel Beer.

Ayon sa format, ang pairings sa quarterfinal phase ay no. 1 vs no. 8, no. 2 kontra no. 7, no. 3 laban sa no. 6 at no. 4 vs no. 5. Ang no. 1-4 teams ay isang panalo lang ang kailangan para makausad sa semifinal round, habang ang no. 5-8 ay obligadong manalo ng dalawang ulit.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nagpupulong ang PBA Board sa Edsa ShangriLa Hotel ukol sa pagreretiro ni PBA Commissioner Jun Bernardino. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ASI TAULAVA

ASIAN GAMES

BATANG RED BULL

CARMELA V

CHRIS MORRIS

COCA-COLA TIGERS

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

KANILANG

PUREFOODS

SELECTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with