Ngunit wala pa ring pagbabago kay import Art Long na muli na namang gumawa ng eksena kagabi.
Inilabas na ni coach Siot Tanquincen si Long matapos nitong ma-foul si Jermaine Walker, 3:36 ang oras sa ikatlong quarter, ngunit kahit nasa bench na ito ay patuloy pa rin ito sa pagrereklamo kayat tinawagan ng technical foul ang bench.
Si Long, nagmulta ng P50,000 dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa isang kaguluhan nang kanilang makalaban ang Batang Red Bull, ay nalimitahan lamang sa 6-puntos matapos maglaro ng 25-minuto lamang.
Gayunpaman, patuloy ang magandang performance na ipinapakita ng mga locals sa pangunguna nina Nick Belasco, Dorian Peña kasa-ma na rin sina Arnold Gamboa at Joey Mente na siyang dahilan ng eksplosibong laro ng Beermen kagabi.
Matapos kumawala sa ikalawang quarter, pinalobo ng San Miguel ang kanilang kalamangan sa 26-puntos sa ikaapat na quarter, 78-52 matapos ang back-to-back basket ni Dorian Peña sa kaagahan ng ikalawang quarter.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text at Batang Red Bull. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)