Stags pinaglaruan ng Dolphins
July 25, 2002 | 12:00am
Higit pang pinalakas ng Philippine Christian University ang kanilang pag-asa na makapasok sa Final Four nang kanilang payukurin ang defending champion San Sebastian College, 72-69 kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 76th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang panalo ay naghatid sa Dolphins na okupahan ang solong ikalawang puwesto matapos na iposte ang kanilang ika-3 panalo makaraan ang apat na laro sa likod ng lider na St. Benilde College na nag-iingat ng malinis na 4-0 kartada.
Pinangunahan ni Bernzon Franco ang opensa ng Dolphins nang kumana ito ng 26 puntos kabilang ang huling apat na marka ng PCU mula sa kanyang free throws ang naging daan ng tagumpay ng Taft-based cagers.
"The breaks of the game went our way," ani PCU coach Jimmy Mariano.
Naasahan naman ni coach Mariano si Jojo Roque nang humataw ito ng mahahalagang puntos sa mga krusiyal na bahagi ng labanan.
Nagawang itabla ni Roque ang iskor sa 66-all, makaraang isalpak ang dalawang free throws mula sa foul ni Redentor Vicente, bago sa sumunod na play, inagawan niya ng bola si Roy Falcasantos may ilang segundo na lamang ang nalalabi sa tikada.
Mula sa 72-69, may 3.3 segundo na lamang ang nalalabi, sinikap ng Stags na mahatak ang overtime, subalit pumaltos ang pinakawalang tres ni Paul Requerra na dahilan ng kanilang ikalawang pagkatalo matapos ang 4 na laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest