2 gintong medalya kinarate ng Pinoy Karatekas
July 24, 2002 | 12:00am
Nagbulsa ang RP-10-man team AAK ng dalawang gintong medalya sa katatapos pa lamang na 11th KOI Karate World Cup na ginanap sa Dresden, Germany na isang international karate event na inorganisa ng World Karate Federation (WKF) Referee Council Chairman Tommy Morris.
Ang nasabing karatefest na nilahukan ng 1,200 atleta mula sa 47 bansa ay mayroong walong kompetisyon.
Pinangunahan nina Norman Montalvo, Vincent Pante at Roberto Miguel Velasquez ang kampanya ng bansa sa Junior Team Kata, habang sa senior kata ay sina Rex Resurrecion, Stephanie Carol Lim at Joel Malillin ang siyang kumampanya. Ang dalawang nabanggit na koponan ay nagperform ng Chantanyara Kusangku at Bunkai sa kani-kanilang finals. Humanga rin sa ipinamalas ng delegasyon ang Presidente at host German Federation sa kanilang training camp na kanilang hiniling na maging bahagi ng kanilang opening ceremonies.
Bukod sa dalawang ginto, nag-uwi rin ang RP karatedo ng tatlong silver at limang bronze medals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended