^

PSN Palaro

Altas yuko sa Cardinals

-
Tila isang maamong tupa ang University of Perpetual Help Rizal na siyang nagbigay ng magaang na panalo sa Mapua Institute of Technology, 73-32 sa NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Walang nai-score ang Perpetual Altas sa ikalawang quarter at halos 15 minutong walang nai-shoot na naging tuntungan ng Cardinals sa kanilang ikatlong panalo sa 4-laro.

Ang kahinaan ng Perpetual ay sinamantala ng Mapua sa pangu-nguna nina Edwin Sta. Maria at Edsel Feliciano na umiskor ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod upang ipalasap sa Altas ang ikatlong pagkatalo sa 4-laro.

Matapos mabokya sa ikalawang canto kung saan humakot ng 22-puntos ang Cardinals, nalimitahan naman sa 7-puntos ang Perpetual sa ikatlong quarter kung saan humakot naman ng 19-puntos ang Cardinals.

Ito ang naging daan para maiposte ng Mapua ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 45-puntos, 68-23 sa ikaapat na quarter.

Tulad ng Altas, masaklap na kapalaran din ang sinapit ng kanilang junior counterparts mula sa MIT Red Robins matapos ang kanilang 30-130 pagkatalo sa unang laro. (Ulat ni Carmel V. Ochoa)

ALTAS

CARMEL V

EDSEL FELICIANO

EDWIN STA

MAPUA

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

PERPETUAL ALTAS

RED ROBINS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with