^

PSN Palaro

RP-MBA 5 nanalo sa Sokor Military

-
TAIPEI--Muling nakabalik ang MBA All-Stars Philippine team sa kanilang dating porma nang kumana ng 97-92 panalo kontra sa South Korea Military upang panatilihing buhay ang kanilang pag-asa para sa kontensiyon ng 25th Chunghwa Telecom Williams Jones Cup noong Biyernes sa Taipei Physical Education College Gymnasium dito.

Ang panalong ito ng Filipinos, ikalawa matapos ang kanilang dalawang dikit na kabiguan ang muling naglagay sa kanila sa kontensiyon kung saan inokupahan nila ang ikaapat na puwesto sa likod ng lider na Australia na may 4-0 at China at Canada na tabla sa ikalawang posisyon bunga ng kanilang magkawangis na 3-1 win-loss slate.

Humataw ng husto si Egay Echavez nang pamunuan niya ang opensa sa pagtapyas ng 22 puntos upang tabunan ang di pa nakakalarong si Alex Compton na nagkaroon ng injury sa bukung-bukong noong Miyerkules sa kanilang laban kontra sa defending champion Chinese-Taipei.

Naging maganda ang ibinigay na suporta nina Rommel Adducul, Jeffrey Flowers, Kalani Fererria, John Billy Mamaril at Bruce Dacia na pawang tumapos ng double digits.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagbanatan ang Filipinos kontra sa wala pang talong Great mates of Australia kung saan kailangan ng RP quintet na maipanalo ang kanilang kru-siyal na laban ngayon upang mapalakas ang kanilang tsansa na mapasabak pa sa championship.

Susunod na makakalaban ng Filipinos ang mapanganib na SINA Lions ng Chinese Basketball Alliance (CBA) sa alas-3 ng hapon ngayon, bago isasara ng Filipinos ang kanilang kampanya kontra Japan Basketball League (JBL) Selection na binubuo ng Japan’s national team candidates.

ALEX COMPTON

ALL-STARS PHILIPPINE

BRUCE DACIA

CHINESE BASKETBALL ALLIANCE

CHUNGHWA TELECOM WILLIAMS JONES CUP

EGAY ECHAVEZ

JAPAN BASKETBALL LEAGUE

JEFFREY FLOWERS

JOHN BILLY MAMARIL

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with