Makaraang malaman ni Bustamante ang sinapit ng kanyang anak, ibig na nitong umuwi ng bansa, subalit dahil na rin sa pakikipag-usap ng businessman-sportsman na si Aristeo Puyat sa isang overseas, nagdesisyon ang una na ituloy na lamang ang kanyang laban para sa bansa at sa alaala ng kanyang anak kung saan hindi siya makapaniwala na sumakabilang buhay na ito, dahil ng iwan niya ito ay malusog ito at nasa maayos na pangangatawan.
Naging matahimik ng araw na iyon ang Cardiff International Arena maging ang mga manlalaro ay nakisimpatiya sa sinapit ni Bustamante kung saan lahat sila ay lumaro na may nakasuot na itim na arm bands.
Ang panalo ni Bustamante ay nagsaayos ng kanyang pakikipagharap kontra sa kababayan ring si Efren Bata Reyes sa quarterfinals ngayon kung saan isa siya sa paborito na manalo ng top prize na $65,000 matapos ang naging tagumpay niya sa tatlong major championships nitong kaagahan ng taon.
Sina Reyes at Bustamante ay maghaharap sa isang race-to-11 match matapos na manaig ang tinaguriang The Magician kontra sa 1995 champion German ace Oliver Ortmann, 11-5.
Angat na angat si Reyes sa kanyang laban kontra Ortmann na bukod sa kapos sa karanasan, kinabog pa ito ng nerbiyos kung saan agad na naitala ng Filipino ang 5-0 kalamangan, bago naka-iskor ang German cue artist.
Gayunman, madaling naka-recover si Reyes at winalis ang 9-2 sa kalaban bago niya tuluyang tinapos si Ortmann sa pamamagitan ng pagsungkit ng dalawa sa nalalabing limang racks.
Kinuha ni Bustamante ang 2-1 kalamangan, bago nakalapit si Lining at siya naman ang umagaw ng trangko sa 10-6 kung saan dito na nagsimulang lumungkot ang mukha ni Bustamante.
Pero ang kalungkutang iyon ang naging inspirasyon ni Bustamante upang umahon at itabla ang iskor sa 10-10, pero nabigo siyang mai-selyo ang panalo kung saan nabigyan pa si Lining ng pagkakataon at nagkumpiyansa naman si Lining, ngunit na-scratched ito sa 3-ball at dito naman umayon ang magandang pagkakataon kay Bustamante upang tuluyan ng iselyo ang kanyang panalo.
"It was very difficult because when I came to Cardiff I was concentrating so much on winning this tournament, but that has all changed now. At the beginning of the match I felt I was in the air, felt nothing, I was breaking too hard earlier on so I changed to the softer break and that seemed to help. This is a big tournament, not only for money, but prestige too. People in the Philippines dont sleep, they just really watch the pool. I hope I can win it," wika ni Bustamante sa post-match interview.
Sa iba pang laban, ginapi ni three-time world champion Earl Strickland ang kapwa niya American Jeremy Jones, 11-8, habang winalis naman ni Johnny Archer na nanalo ng titulo dito noong 1992 at 1997 si Chinese-Taipeis Kung-Fang Lee, 11-5 at isa pa ring dating champion si Kunihiko Takahashi ng Japan ang nanalo kontra sa error-prone Alex Lely ng Holland, 11-8.