Bombers di umubra sa Dolphins
July 20, 2002 | 12:00am
Matikas na opensa ang inilabas ni Loreto Soriano sa huling maiinit na bahagi ng labanan upang ihatid ang Philippine Christian University sa 85-77 panalo kontra sa Jose Rizal University kahapon sa pagpapatuloy ng 78th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Tumapos si Soriano ng 23 puntos na tinampukan ng limang triples upang pangunahan ang Dolphins sa kanilang ikalawang panalo mata-pos ang kanilang tatlong asignatura, habang nalasap naman ng Heavy Bombers ang kanilang ikalawang kabiguan sa tatlong laro.
Hindi naging madali para sa Dolphins ang kanilang panalo maka-raang magbanta ang Heavy Bombers matapos na maibaba ang 11 puntos na kalamangan ng Taft-based dribblers, 67-56 patungo sa 71-76 may 3:00 minuto na lamang ang nalalabi sa laro.
Nakalapit pa ang JRU nang kumana ng dalawang tres sina McDonald Santos at Winsjohn Te sa 77-80 matapos na malimita ang Dolphins.
Subalit, nananatiling buo ang composure ng Dolphins sa mga sumu-nod na play nang manalasa sila sa free throw line nang umiskor sina Soriano at Roque ng tig-dalawa upang supilin ang tangkang paninilat ng Heavy Bombers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended