Phone Pals, Tigers mag-uunahan sa solong ikalawang puwesto
July 19, 2002 | 12:00am
Nakataya ang solong ikalawang puwesto sa engkwentro ng Talk N Text Phone Pals at Coca-Cola Tigers sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA-Samsung Commissioners Cup sa Cuneta Astrodome.
Ang laro ngayon na dapat ay gaganapin sa Bataan ngunit kinansela at inilipat sa Cuneta Astrodome ay magsisimula ng eksaktong alas-7:00 ng gabi.
Parehong may 4-2 win-loss slate ang Talk N Text at Coke sa likod ng nangungunang defending champion na Batang Red Bull Thunder na may 5-1 kartada.
Hangad ng Phone Pals na masundan ang kanilang 109-92 pama-mayani kontra sa Purefoods TJ Hotdogs noong Linggo na bumura sa kanilang dalawang sunod na kabiguan.
Ang tambalang Jerald Honeycutt at Danny Johnson ang muling sasandalan ng Phone Pals sa kanilang pakikipagsagupa sa Tigers na siguradong gigil na makabawi sa kanilang nakaraang pagkatalo.
Ang Tigers ay lumasap ng 60-72 kabiguan kontra sa Red Bull noong Linggo din at ito ang pagtutulungang malukuban nina Ron Hale at Bryant Basemore.
Ibayong performance ang inaasahan mula kina Hale at Basemore at karagdagang suporta naman mula sa mga locals ang kailangan upang makaahon ang Tigers.
Kailangan namang mamintina o kayay higitan pa nina Honeycutt at Johnson ang kanilang produksiyon upang tuluyan nang makabangon ang Phone Pals.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang RP-Team Selecta at ang Shell Velocity sa Caruncho gym sa Pasig City. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended