^

PSN Palaro

Sina Reyes at Gallego na lang ang malinis

-
Sa ikaapat na araw ng elimination round ng World Pool Championship na ginaganap sa Cardiff, Wales, patuloy ang ginagawang pananalasa nina Efren ‘Bata’ Reyes at Ramil Gallego makaraang muling iposte ang kani-kanilang panalo kahapon.

Ipinamalas ni Gallego na nakasama sa grupo ng elite 128 field na hinati sa 16 groups na binubuo ng walong manlalaro matapos na makaligtas sa qualifying round ang kanyang husay ng wala itong sinayang na rack sa kanyang ikalawang panalo kontra sa hometown favorite na si Wayne Lloyd ng Wales, 5-3, bago muling nagbalik sa lamesa makaraan ang ilang oras upang hiyain naman si Chien Te Chung na una ng gumapi sa defending champion na si Mika Immonen ng Finland, 5-3.

Kumana si Gallego ng 5-0 panalo kontra sa Chinese-Taipei upang banderahan ang Group 1.

Umiskor naman si Reyes, 1999 champion ng 5-3 tagumpay kontra Stephan Cohen ng France, bago niya isinunod na biktima si Ryan Rampersaud ng Aruba, 5-1 upang manguna sa kanyang group sa Group 5.

Kasama nina Reyes at Gallego na nananatiling malinis sa kanilang kampanya ay si Kung Fang Lee ng Chinese Taipei.

Ang panalo nina Reyes at Gallego ay nagdala sa kanila na magaang na makapasok sa knockout round of 64 kung saan tatlong laban na lamang ang nalalabi para sa initial round robin stage.

Hindi naman nagawang tularan ni Francisco ‘Django’ Bustamante ang tagumpay ng dalawa makaraang lumasap ng kabiguan sa mga kamay ni German Tomas Engert, 2-5 noong Linggo, subalit agad din siyang bumangon nang hatakin ang 5-4 panalo kontra Anthony Ginn ng Britain. Sina Bustamante at Engert ay magkatabla sa Group 7 bunga ng kanilang 3-1 record.

Nalasap naman ni Southeast Asian Games gold medalist Lee Van Corteza na nagpasiklab sa opening day sa kanyang mga mahuhusay na tira kontra ‘America’s Korean Dragon’ Charlie Williams na naglabas naman ng mahuhusay na tricks kontra Filipino.

Ang mga uncharacteristic error ni Corteza kung saan ang iskor ay tabla sa 2-2 ang siyang nagbigay sa Billiards Congress of America champion ng opening na siya niyang kailangan upang mapagwagian ang laban sa iskor na 5-3. Gayunpaman, ang Filipino pa rin ang siyang nangunguna sa Group 13.

ANTHONY GINN

BILLIARDS CONGRESS OF AMERICA

CHARLIE WILLIAMS

CHIEN TE CHUNG

CHINESE TAIPEI

GALLEGO

GERMAN TOMAS ENGERT

KUNG FANG LEE

LEE VAN CORTEZA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with