Bagong import ng Ginebra isasalang na
July 16, 2002 | 12:00am
Sigurado nang makakapaglaro ngayon ang bagong import ng Barangay Ginebra sa kanilang pakikipagharap sa kanilang kapatid na kumpanyang San Miguel Beer sa pag-usad ng Samsung-PBA Commissioners Cup.
Maisasalang na rin sa wakas ng Gin Kings si Ike Spencer matapos mabigong makapaglaro sa kanilang nakaraang out-of-town game sa Dumaguete City.
Dahil solong kinarga ni Ben Davis ang Ginebra, wala silang nagawa kundi yumukod sa kumpletong puwersa ng Sta. Lucia Realty, 76-89 noong Biyernes.
Sa pagdating ni Spencer, siguradong mahigpit na laban ang kanilang ibibigay sa Beermen sa kanilang pang-alas-7 ng gabing laban sa Cuneta Astrodome.
Ayon sa scouting report, si Spencer na pumalit kay Silas Mills na pinauwi ng Ginebra, ay isang malakas na bounder at inside scorer na siyang magiging epektibong partner ni Davis.
Kailangan namang maging malamig ang ulo ngayon ni import Art Long kung ayaw niyang madagdagan ang multang P50,000 sa kanyang panununtok kay Tony Lang sa kanilang nakaraang 73-78 pagkatalo kontra sa defending champion Batang Red Bull.
Makakatulong ni Long si Shea Seals sa pagkaliskis sa bagong saltang si Spencer.
Magbibigay din ng karagdagang puwersa sina Jun Limpot na sasalang sa kanyang ikalawang laro buhat sa injury at ang Bandana brothers' na sina Jayjay Helter-brand at Mark Caguioa.
Para sa Beermen, naririyan naman sina Nick Belasco, Dorian Peña, Dwight Lago at Boybits Victoria.
Ang Ginebra ay kasalukuyang may 2-4 record habang ang Beermen ay may 2-3 kartada tulad ng FedEx Express at RP-Team Selecta.
Bagamat nakarating si Spencer bago sumalang ang Gin Kings sa Dumaguete, hindi naman ito nakapaglaro bagamat nakasama ito ng Ginebra sa kanilang out-of-town game. (Ulat ni Carmela V Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended