^

PSN Palaro

Kampanya ng Pinoy cue artists sa World Pool sasargo na

-
Sisimulan bukas ang 2002 World Pool Championship, ang billiards premiere annual tournament sa Cardiff, Wales kung saan sasabak ang tigasing 8-man Philippine contigent para sa tropeo at $6.50 (P3,250,000.00) ang nakatayang premyo na mapapasakamay ng mananalo.

Ang kampanya ng bansa ay babanderahan ni Efren ‘Bata" Reyes, kasama sina Francisco ‘Django’ Bustamante, Leonardo Andam, Lee Van Corteza, Warren Kiamco, Antonio Lining, Dennis Orcullo at Ramil Gallego.

"They are our country’s best players," pahayag ng sportsman na si Aristeo ‘Putch’ Puyat, presidente ng Puyat Sports. "Any one of them eight players can win the title."

Nakasama si Galego sa pitong pre-qualified Filipinos sa pamamagitan ng qualifying round sa Bristol. Tinalo niya ang Canadian veteran na si Gerry Watson, 7-2 upang maseguro ang kanyang slot makaraang talunin naman ang English pool players na si Phil Harrison, 7-6 sa semis.

Nabigo naman si Rodolfo ‘Boy Samson’ Luat na makasama sa grupo matapos na yumukod sa batang Welsh snooker pro na si Lee Walker.

Ang main competition ay gaganapin sa Hulyo 13 at ang First Round Group ang siyang lalaro, mayroon ding alternates breaks hanggang sa finals sa Hulyo 23.

Maliban kay Andam, Lining at Orcullo, ang iba pang mga manlalaro na kasama nila sa kani-kanilang grupo ay mula sa Chinese-Taipei kung saan ang Filipinos ay bahagyang may bentahe sa groupings.

ANTONIO LINING

BOY SAMSON

DENNIS ORCULLO

FIRST ROUND GROUP

GERRY WATSON

HULYO

LEE VAN CORTEZA

LEE WALKER

LEONARDO ANDAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with