^

PSN Palaro

UAAP sasambulat sa big dome sa Sabado

-
Iisa lamang ang misyon ng anim na iba pang koponan na kasapi sa University Athletic Association of the Philippines ang masupil ang inaasahang dominasyon ng kasalukuyang kampeong De La Salle University at ang mahigpit nilang karibal na Ateneo de Manila sa pagsambulat ng aksiyon sa July 13 sa Araneta Coliseum.

Sisimulan ng Blue Eagles ang kanilang kampanya para muling makapasok sa finals sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng National University sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng sagupaan sa pagitan naman ng University of the East at ng University of the Philippines sa alas-2.

Ngunit bago masilayan ang umaatikabong aksiyon, isang simple ngunit makasaysayang opening ceremonies sa ala-una ng tanghali na tatampukan ng tradisyunal na parada ng mga koponan.

Inaasahan na magiging mahigpit ang hamong ibibigay ng NU Bulldogs kung saan sa nakaraang season ng liga, ito ay nakapagpakita na ng talim ng kanilang pangil matapos na makapasok sa Final Four.

Sa Linggo, nakatakdang sumabak sa aksiyon ang tropa ni coach Franz Pumaren na haharap naman sa Far Eastern University sa alas-4 ng hapon dito rin sa Big Dome, habang magtitipan naman ang University of Santo Tomas at ang Adamson U sa alas-2.

Bagamat nawala sa lineup ng Bulldogs sina coach Manny Dandan, ang mga manlalarong sina Gilbert Neo at Archen Cayabyab na naglalaro na sa PBL, babalikatin nina Froilan Baguion, Alfie Grijaldo at Jeff Napa ang kampanya ng Bulldogs na siguradong mas malaki ang naging improvement ngayon.

ADAMSON U

ALFIE GRIJALDO

ARANETA COLISEUM

ARCHEN CAYABYAB

BIG DOME

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

FRANZ PUMAREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with