Solo liderato asam ng Coke
July 9, 2002 | 12:00am
Pagkakataon ngayon ng Coca-Cola Tigers na tangayin ang solong pamumuno sa PBA Samsung Commissioners Cup.
Kailangan lamang nilang gawin ay talunin ang kanilang utol na kumpanyang Purefoods TJ Hotdogs sa nag-iisang laro ngayon sa Cuneta Astrodome sa ganap na alas-7:00 ng gabi.
Tinalo ng Coca-Cola ang kanilang sister company ring Barangay Ginebra, 70-65 noong Huwebes sa Cuneta Astrodome din upang makausad sa ikalawang puwesto.
Libreng naluklok sa pakikisosyo sa liderato ang Tigers gayundin ang walang larong Alaska Aces matapos ang pagkatalo ng defending champion Batang Red Bull na siyang dahilan ng kanilang pagtatabla sa 3-1 kartada.
Sina imports Ron Hale at Bryant Basemore pa rin ang sasandigan ng Tigers sa kanilang layunin ngunit kailangan ang suporta ng mga locals.
Sakaling hindi man pumutok ang kanilang imports, kailangan umangat sina Leo Avenido, Freddie Abuda, Fil-Am Rafi Reavis at Johnny Abarrientos.
Dalawang sunod na talo ang pinanggalingan ng TJ Hotdogs, ang huli ay kontra sa kanilang kapatid na kumpanya ring San Miguel Beer.
Hindi pinaporma ng Beermen ang Purefoods, 81-58 sa kanilang out-of-town game sa Iloilo City noong Biyernes.
Gayunpaman, di dapat pakasiguro ang Tigers dahil posibleng sila ang pagbuntunan ng galit at pumutok ngayon si Kelvin Price na tumapos lamang ng 5-puntos sa kanilang nakaraang pagkatalo.
Kailangan lamang mamintina ni Gabriel Muoneke ang kanyang intensidad matapos magtala ng 22 puntos sa kanilang nakaraang laban at magpakitang gilas ang mga locals sa pangunguna nina Kerby Raymundo, Rey Evangelista, Alvin Patrimonio at iba pa.
Di naman kalayuan ang Talk N Text na bumagsak sa 3-2 record kasunod ang Sta. Lucia Realty, RP-Selecta at San Miguel na may 2-2 record kasunod ang Ginebra (2-3) at ang mga magkakasamang Purefoods, Shell Velocity at FedEx na may 1-3 kartada. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended