Phone Pals walang signal sa Barangay Ginebra
July 8, 2002 | 12:00am
Sa pagkaparalisa ng line-up ng Barangay Ginebra, rumesponde ang Bandana Brothers upang gulantangin ang Talk N Text Phone Pals, 74-63 sa pagpapatuloy ng PBA Samsung Commissioners Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Sa pagkawala nina import Silas Mills gayundin ng mga injured na sina Jun Limpot at Vergel Meneses, umangat naman sina Marc Caguioa at Jayjay Helterbrand upang makaagapay ni import Ben Davis sa pagsulong sa Gin Kings sa kanilang ikalawang panalo sa 5-laro.
Nabigong samantalahin ng Phone Pals ang pagkawala ni Mills na pinauwi bagamat ngayon pa lamang darating ang kanyang kapalit na si Chris Porter, isang 67 na produkto ng Auburn University, sanhi ng kanilang ikalawang sunod na pagkatalo matapos mamayani sa kanilang unang laro.
Tumapos sina Caguioa at Helterbrand ng pinagsamang 35 puntos upang tulungan si Davis na tumapos naman ng 25 puntos.
Naging all-around player si Caguioa sa kabuuan ng laro dahil may-roon din itong 5-rebounds, 4 assists at 3-steals habang sa ikatlong quarter naman humataw si Helterbrand kung saan umiskor ito ng 14-puntos upang ibangon ang Ginebra sa 28-34 pagkakahuli sa halftime at iangat sa 55-49 papasok sa ikaapat na quarter.
Pinangunahan nina Caguioa at Davis ang 13-7 produksiyon sa ikaapat na quarter upang iposte ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 12-puntos 68-56 papasok sa huling dalawang minu-to ng labanan.
Pinauwi si Mills dahil sa kanyang mahinang performance at attitude problem kayat nagdesisyon ang management na ipalit si Porter na nakapaglaro sa Golden State Warriors sa National Basketball Association.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang RP-Selecta Team at Sta.Lucia Realty bilang main game.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am