Umiskor si Sanz ng 18-puntos kabilang ang back-to-back triple na siyang dumiskaril sa mainit na oposisyon ng Letran Knights sa end-game.
Bunga nito, nakabawi ang PCU Dolphins sa kanilang 68-74 pagkatalo kontra sa Mapua noong opening day para iangat ang kanilang record sa 1-1 tulad ng Letran na nabigo namang masundan ang 69-64 panalo kontra sa San Beda.
Unti-unting naglaho ang 51-35 kalamangan ng PCU nang pinagtulu-ngan iahon nina Ron Jay Enrile, Boyet Bautista at Jo Aldave ang Letran upang makalapit sa 54-60 ngunit nag-init ang mga kamay ni Sanz upang pigilan ang rally ng Knights.
Bunga ng panalong ito ng Dolphins, naipaghiganti nila ang kabiguan ng kanilang junior counterparts sa unang laro, 86-95 kontra sa Letran Squires.