^

PSN Palaro

Knights pinaglaruan ng Dolphins

-
Naging mainit si Robert Sanz sa ikaapat na quarter upang maungu-san ng Philippine Christian University ang Letran College, 67-56 sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2002 NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Umiskor si Sanz ng 18-puntos kabilang ang back-to-back triple na siyang dumiskaril sa mainit na oposisyon ng Letran Knights sa end-game.

Bunga nito, nakabawi ang PCU Dolphins sa kanilang 68-74 pagkatalo kontra sa Mapua noong opening day para iangat ang kanilang record sa 1-1 tulad ng Letran na nabigo namang masundan ang 69-64 panalo kontra sa San Beda.

Unti-unting naglaho ang 51-35 kalamangan ng PCU nang pinagtulu-ngan iahon nina Ron Jay Enrile, Boyet Bautista at Jo Aldave ang Letran upang makalapit sa 54-60 ngunit nag-init ang mga kamay ni Sanz upang pigilan ang rally ng Knights.

Bunga ng panalong ito ng Dolphins, naipaghiganti nila ang kabiguan ng kanilang junior counterparts sa unang laro, 86-95 kontra sa Letran Squires.

vuukle comment

BOYET BAUTISTA

BUNGA

JO ALDAVE

LETRAN

LETRAN COLLEGE

LETRAN KNIGHTS

LETRAN SQUIRES

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

ROBERT SANZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with