^

PSN Palaro

Usapang merger ng PBL-MBA tuloy pa rin

-
Inihayag ni Jose Concepcion II na nananatili siyang kumpiyansa na ang pag-uusap para sa unification sa pagitan ng PBL at MBA ay mai-susulong sa pamamagitan ng mechanism acceptable para sa dalawang partido.

" I talked to Mon Tuason and he admitted that there was some misunderstanding on his part regarding a statement attributed to Mr. Chino Trinidad over the radio and he apologized for his over reaction," pahayag ni Concepcion.

Ang naturang paumanhin ay ipinarating ni Concepcion kay Chino Trinidad at siniguro niya ang PBL commissioner na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para sa posibleng pag-iisa ng dalawang liga.

Bukas ang MBA na ampunin ang kasalukuyang cost structure at guidelines ng PBL kung saan siniguro rin ni Concepcion na ang spirit ng negotiations ay matutupad gaya ng kanilang napagkasunduan. Para kina Messrs. Santi Araneta at Tuason, ang konsepto ng regionalization ay mahalagang component at hindi ito puwedeng iabandona. At sa parte naman ng PBL, ibig din nilang i-adopt ang regional concept at ipagpatuloy ang provincial games, ngunit ang gastusin ay hindi dapat lumampas sa PBL structure.

"Regionalization is the best way to develop grass root basketball and this will eventually help us discover new talents that will make us more competitive in Asia," dagdag pa ni Concepcion.

Nakatakdang magkita sina Elmer Yanga, commissioners Chino Trinidad (PBL) at Chito Loy-zaga (MBA) ngayong hapon upang ipagpatuloy ang kanilang unification talks at isa pang meeting sa Lunes, Hulyo 8 para sa iba pang mahalagang talakayan.

"I am very happy that PBL, represent by Messrs. Cecilio Pedro and Chino Trinidad is open to explore the possibility of having a unified amateur league as long as it is consistent with PBL’s current guidelines," ani Concepcion.

CECILIO PEDRO AND CHINO TRINIDAD

CHINO TRINIDAD

CHITO LOY

CONCEPCION

ELMER YANGA

JOSE CONCEPCION

MON TUASON

MR. CHINO TRINIDAD

PBL

SANTI ARANETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with