^

PSN Palaro

Tambalang Pinoy sa Asian Tenpin naka-gold

-
HONG KONG-Muli na namang kumayod ang Philippines ng ikalawang sunod na gintong medalya sa 17th Asian Tenpin Bowling Championships dito nang ang pareha nina Chester King at Biboy Rivera ay tangha-ing pinakamahusay sa men’s doubles event noong Lunes ng gabi.

Nagtala ang Filipino duo ng pinagsamang kabuuang 2,571 pinfalls sa pagtatapos ng 12-game series na ginanap sa SCAA Bowling Center at silatin ang Malaysian counterparts na sina Azidi Ameran at Beng Heng at China’s Jiang Yong at Zhang Ye.

Sina Ameran at Heng ay kapos ng 12 pins sa Filipinos at nakuntento lamang sa silver medal (2,559), habang sina Yong at Ye ay nagbulsa ng bronze medal sa kanilang kabuuang 2,500.

Ang panalo ay ikalawang sunod na medalyang gintong naibulsa ng RP bowlers para sa bansa na ang una ay galing kay Liza del Rosario sa women’s single event sa pagsisimula ng isang linggong meet na ito na nagtampok sa mga best keglers mula sa 22 bansa sa Asian.

Ang back-to-back na panalo ang naglagay sa Philippines sa pangu-nguna sa overall standing, sumunod ang Korea at United Arab Emirates na may tig-isang gold.

Umiskor si Rivera, gold medalist sa naka-[raang taong Kuala Lum-pur Southeast Asian Games ng 174, 220, 267, 214, 225 at 266 para sa commanding total na 1,366. Ang kanyang aggregate na 2,680 at 223 average ay naglagay rin sa kanya sa ranked No. 1 sa men’s all events.

Kasalukuyang No. 12 sa world at Kuala Lumpur SEAG medalist, kumana rin si King ng 1,205 sa mga linya ng 216, 206, 203, 150, 247 at 183.

Ang iba pang men’s pair na sina Cj Suarez at RJ Bautista ay tumapos ng ikapito sa kanilang itinumbang 2,453 na kinapos ng 47 puntos para mapasakamay ang bronze.

ASIAN TENPIN BOWLING CHAMPIONSHIPS

AZIDI AMERAN

BENG HENG

BIBOY RIVERA

BOWLING CENTER

CHESTER KING

CJ SUAREZ

JIANG YONG

KASALUKUYANG NO

KUALA LUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with