Team Cebu City kampeon pa rin
July 2, 2002 | 12:00am
CEBU CITY--Napanatili ng defending champion Team Cebu City ang kanilang korona sa National Youth Open Amateur Boxing Championships noong nakaraang Sabado na ginanap sa Queens Citys Ayala Entertainment Center, ang kauna-unahang pagkakataon sa bansa.
Bumangon ang host at defending champion Team Cebu City (TCC) mula sa masamang panimula sa isang linggong tournament nang makapag-umit ng anim na ginto at dalawang pilak na sapat na para mapanatili ang kanilang overall title, bukod pa sa pagkaka-sweep sa division-1 (36-42 kgs.) sa kanilang tatlong ginto na naibulsa at dalawang pilak at sa division-11 (45-60 kgs.) na humataw rin ng tatlong ginto.
Isinara naman ng Bago City ang kanilang kampanya sa pagsungkit ng dalawang ginto mula sa 48 kgs. ni Reynan Salimbot at 54 kgs. naman ni Ronald Mayordomo bukod pa ang tatlong pilak at dalawang tanso.
Pumangatlo naman ang dating lider na Mandaue City na may dalawang ginto na hatid nina Reynaldo Caitom at 37 kgs. ni Jomar Matbagon at tatlong pilak, habang ang Tolonan, Cotabato ang pumang-apat sa record-field 38 na kalahok na koponan bunga ng kanilang isang ginto mula kay Johnny Cadigal at dalawang tanso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended