Del Rosario naka-gold
July 2, 2002 | 12:00am
HONGKONG--Pinangunahan ni Liza del Rosario ang kampanya ng Philippines sa 17th Asian Tenpin Bowling Championships nang magbulsa ng medalyang ginto sa womens singles event sa pagsisimula ng isang linggo meet na ito noong Sabado dito.
Tumapos ang naka-raang taong World Cup runner-up ng six-game series na 1,383 pinfalls nang kanyang pasiklaban ang SCAA Bowling Center sa scores na 210, 222, 236, 226, 277 at 212 upang tabunan ang hamon nina Valerie Teo ng Singapore (1,334) at Cathy Elwell ng Australia (1,261) na tumapos ng ikalawa at ikatlong posis-yon, ayon sa pagkakasu-nod.
Ang panalong ito ni del Rosario, kasalukuyang ikasiyam sa ranggo sa daigdig at doubles gold medalist sa nakaraang taong Kuala Lumpur Southeast Asian Games ang nag-angat sa kanya mula sa masaklap na kabiguang nalasap sa kasalukuyang CGU Asian Bowling Tour third leg na ginanap sa Manila kung saan siya ay nabigo sa finals kontra Chinese-Taipeis Wang Yu Ling.
Dinala naman ni Biboy Rivera ang laban ng mens squad matapos na pumang-apat sa kanilang naitumbang 1,314 pinfalls kung saan nakawala sa kanilang mga kamay ang silver dahil sa limang pins lamang.
Nangapa naman ang four-time World Cup champion na si Paeng Nepomuceno na nakuntento lamang sa 35th place bunga ng kanyang 1,219 pinfalls.
Ang doubles ay gaganapin sa susunod na linggo kung saan ang RP ang isa sa paboritong koponan. Gaganapin din ang trios, five-man, all-events at masters.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended