Ikaapat na sunod na panalo para muling masolo ang liderato ang tinitignan ng Phone Pals sa kanilang alas-7:00 ng gabing pakikipaglaban sa Nationals na naghahangad naman ng kanilang ikalawang dikit na tagumpay.
Sa likod ng malinis na 3-0 kartadang hawak ng Talk N Text na kasalukuyang sinasaluhan sa pamumuno ng Batang Red Bull, ayaw maging kumpiyansa ni coach Bill Bayno laban sa RP-Selecta.
Itoy dahil mataas ang kanyang pagtingin sa kakayahan ngayon ng Nationals na nasa kanilang pagsasanay para sa Asian Games na gaga-napin sa Busan, South Korea sa September.
"I like the way that team plays. Selecta reminds me a lot of our team with the way they move the ball around and keep their players in constant motion.
They set good screens for their players and they do the things we love to do," wika ng Amerikanong Talk N Text coach.
Taliwas naman ito sa tingin ni National coach Jong Uichico na hindi pa kuntento sa naging improvement ng kanyang tropa kahit pa silay nanalo laban sa San Miguel Beer sa kanilang nakaraang laban, 74-62.
"At least, against Ginebra, the effort was there. The willingness to stick to the assigned roles was there," paliwanag ni Uichico. "Against San Miguel", we played bad. I was not pleased at all with the kind of effort we put on the floor. This just goes to show that we really have a long way to go as far as the preparations for the Asian Games are concerned," dagdag pa ng National mentor.
Muling babandera si import Jerald Honeycutt para sa Phone Pals katu-long si Danny Johnson kasama ang mga locals na sina Mark Telan, Vic Pablo at Patrick Fran.
Naririyan naman sina Taulava, Olsen Racela at Danny Seigle na nagpakita ng consistency sa nakaraang dalawang laro ng RP Squad na kasa-lukuyang may 1-1. (Ulat ni Carmela Ochoa)