4th win asam ng Batangas at Olongapo
June 30, 2002 | 12:00am
Ikaapat na panalo ang kapwa puntirya ng Batangas Blades at Olongapo sa magkahiwalay na sultada sa pagbabalik ng aksiyon sa MBA National Conference sa Lipa Youth and Cultural Center.
Ang panalo ng Blades at Volunteers ang magpapatag ng kanilang kapit sa liderato sa North division matapos ang 3-2 win-loss slate.
Unang sasabak sa aksiyon ang Olongapo na haharap sa Osaka -Pangasinan Waves sa ala-una ng hapon, bago susundan nang sagupaan sa pagitan ng Pampanga at Blades sa alas-3:30.
Siguradong gagamitin ng Blades ang kanilang home court advantage upang maipaghiganti ang nalasap na 90-86 kabiguan sa mga kamay ng Stars ng una silang magkita noong Hunyo 22 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando City, Pampanga upang pagandahin ang kanilang 3-2 kartada.
Aasahan ng Blades ang balikat nina Alex Compton, Jeffrey Sanders, Ralph Rivera at iba pa upang tapatan ang lakas ng Stars.
Sa kabilang banda naman, sasandig naman ang Volunteers sa kanilang impresibong 102-90 panalo noong Biyernes kontra sa Stars sa kanilang pagtitipan ng Waves upang duplikahin ang kanilang naunang tagumpay kontra sa Waves noong Hunyo 22, 88-79.
Siguradong mangunguna sa kampanya ng Volunteers sina Jeffrey Flowers, Henry Fernandez, Brixter Encarnacion, Topex Robinson at Joel Dualan na di pahuhuli sa opensa.
Kailangan ng Pangasinan na gumana ng husto upang makaahon sa kanilang kinalulubugan kung saan isang panalo pa lamang ang kanilang naililista matapos ang apat na laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended