^

PSN Palaro

NCAA hahataw ngayon

-
Bubuksan ngayon ng defending champion San Sebastian College ang kanilang kampanyang ipagtanggol ang titulo sa pagsambulat ng 78th NCAA men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Unang asignatura ng SSC Stags ang UPHR Altas sa tampok na laro sa dakong alas-8 ng gabi sa apat na sultadang nakatakda ngayon pagkatapos ng opening ceremonies na magsisimula sa ganap na ala-una ng hapon.

Pagkatapos ng magarbong opening ceremonies na inihanda ng host San Beda, isusunod agad ang sagupaang Mapua Institute of Technology at Philippine Christian University sa bandang alas-2 ng hapon.

Sa ikalawang laro, magtatagpo naman ng landas ang Colegio de San Juan de Letran at SBC Red Lions sa alas-4, habang haharapin ng College of St. Benilde ang Jose Rizal University sa alas-6 ng gabi.

Ang Stags na naging matagumpay sa Fr. Martin’s Cup at Ambrosio Padilla Cup ay pangungunahan ng mga beteranong sina Nurjamjam Alfad, Christian Coronel at sophomore Fil-Am Pep Moore sa ilalim ng pangangasiwa ni coach Turo Valenzona. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

AMBROSIO PADILLA CUP

ANG STAGS

ARANETA COLISEUM

CARMELA OCHOA

CHRISTIAN CORONEL

COLLEGE OF ST. BENILDE

FIL-AM PEP MOORE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

NURJAMJAM ALFAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with