Sosyo sa liderato asam ng Coke vs SMB
June 29, 2002 | 12:00am
Ikatlong sunod na panalo at pakikisalo sa pamumuno ang tutum-bukin ng Coca-Cola Tigers habang tatlong koponan ang magtatangkang makapasok sa win column sa dalawang laro ngayon ng PBA Samsung Commissioners Cup sa Cuneta Astrodome.
Makakasagupa ng Tigers ang San Miguel Beer sa tampok na laro sa dakong alas-5:45 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng FedEx Express at Shell Velocity sa pampaganang sultada sa ganap na alas-3:45 ng hapon.
Ang Coke ay kasalukuyang may 2-0 record katabla ang defending champion Red Bull habang ang Express, SMBeer at Turbo Chargers ay pare-parehong bokya sa dalawang pakikipaglaban sanhi ng kanilang pagsasalo-salo sa pangungulelat.
Panibagong import ang isasalang ng San Miguel laban sa kanilang pakikipaglaban kontra sa kanilang kapatid na kumpanyang Coca-Cola.
Isasalang ng Beermen si Shea Seals bilang kapalit ni Damon Flint na nagkaroon ng injury upang makapareha ni Art Long na ipinalit naman kay Jermaine Tate.
Si Seals ay nakapaglaro sa Los Angeles Lakers sa NBA.
Inaasahang lalabas din ngayon ang tunay na Art Long na inilarawan ni coach Chot Reyes ng Coke kung saan unang nakatakdang maglaro ang naturang import, na isang "terror in the shaded area and started many game in the NBA."
Ngunit ang 69 na si Long na naglaro sa Seattle sa NBA ay hindi umiskor sa nakaraang 62-74 pagkatalo ng San Miguel kontra sa RP-Selecta Team.
Hindi pa lumalabas ang dating Jermaine Walkers na nasilayan sa Governors Cup at ito ay kinakailangan na ngayon upang makaahon ang FedEx at matikman ang unang panalo.
Bagamat epektibo naman ang puwersa nina Askia Jones at Cedric Webber, kulang naman sa suporta ng mga locals at ito ang kailangang remedyuhan ng Shell lalo pat di makakalaro si Paras na muli na namang inatake ng kanyang injury sa paa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended