Samsung Best of the Best National Taekwondo Championship

Ang mga mahuhusay na taekwondo jins ng bansa ay nakatakdang makipagsukatan ng lakas sa Samsung Best of Best National Taekwondo Championship na nakatakda sa Hulyo 15-21 sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga elite black-belts mula sa Philippine National Team pool, Taekwondo Blackbelt Brotherhood & Sorority (TBB & TBS), Philippine Taekwondo Contingent (PTC), mga nanalo sa AFP-PNP Olympics, gold medalists ng Luzon, Visayas at Mindanao Championships at ng NCR Selections.

Ang mga kompetisyon ay gaganapin sa lahat ng weight categories para sa mga sumusunod na divisions; Senior men’s and Women’s (18 years old & above) at Junior Men’s & Women’s Division (14-17 years old), habang ang Child-ren’s Division ay mula 13-anyos pababa.

Umaasa ang organizer ng naturang tournament na img--ang global sports marketing company kasama ang Philippine Taekwondo Association na aabot sa 300 selected champion blackbelts ang mag-lalaban-laban para sa karangalan na maging pinamakahusay sa lahat ng blackbelts sa bansa sa ngayon.

Ang nasabing championship ay karugtong lamang ng best of the best series noong huling bahagi ng 80’s at muling sinimulan noong 1999 at 2000 edisyon na layuning makapagbigay ng alternative venue para sa mga lumalaking bilang ng nahahasang blackbelts.

Bubuksan ang nasabing events sa Hulyo 15 na may tunggalian sa Senior Division na tatampukan ng Opening Ceremony sa alas-5 ng hapon. Magsasagawa ang beteranong jins na si Monsour del Rosario ng clinics mula Hulyo 16-19, simula sa alas-12 ng tanghali hanggang ala-una ng hapon, habang ang ‘Clash of the Titans’ ay magsisilbing side events.

Show comments