^

PSN Palaro

3 golds ibinulsa ng Pinoy karatekas

-
Nag-uwi ang lima kataong delegasyon mula sa AAK Team Philippines ng tatlong medalyang ginto, 3 pilak at dalawang tanso sa katatapos pa lamang na International Open Juniors Karatedo Championships sa Mackenzie Sports Center, British Columbia, Canada.

Ang mga nagsipagbulsa ng ginto ay ang 7-anyos na si David John Paulo Israel ng Don Bosco, Sta. Mesa sa 7-8 years old Kumite; 9-anyos Ruski Emrick Sunga-lon ng Claret School, 9-10 yrs.old at 13-gulang na si Kenneth Jimenez ng Lourdes School-Mandaluyong sa 13-14 yrs. old Kumite. Ang tatlong nabanggit ay pawang nagsi-pagpanalo ng kani-kanilang laban kontra sa mga Japanese rivals.

Dalawang silvers ang ambag ng 13-gulang na si Jert Stephen Yao ng Xavier School sa 13-14 category Kata at sa 15-17 yrs. old Kumite. Natalo ang kanyang Kumite finals kontra Canadian na kalaban. Ang ikatlong silver ay mula pa rin kay Israel, habang sina Sungalon at Jimenez ang nagbulsa naman ng tanso sa 9-10 yrs. old Kata at 13-14 yrs. old Kata, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga bansang sumabak sa tournament na ito ay mula sa Japan, USA, England, Australia, New Zealand, India, Switzerland, Thailand, Kazakhstan, Bangladesh, Fiji, South Africa, Brunei, Philippines at host country Canada.

BRITISH COLUMBIA

CLARET SCHOOL

DAVID JOHN PAULO ISRAEL

DON BOSCO

INTERNATIONAL OPEN JUNIORS KARATEDO CHAMPIONSHIPS

JERT STEPHEN YAO

KATA

KENNETH JIMENEZ

KUMITE

LOURDES SCHOOL-MANDALUYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with