^

PSN Palaro

Korona napanatili ni Corteza sa Barcelona Brandy P1-M 9-Ball

-
Napanatili ni Lee Van Corteza ang kanyang titulo sa ikalawang sunod na linggo sa 1st Barcelona Brandy P1M 9-Ball Billiards Challenge nang kanyang igupo si Panfilo ‘Abu’ Damu-ag, 11-7 sa Robinson’s Galleria.

Nagbigay ng mahigpit na hamon si Damu-ag nang maka-abante ito sa maagang 6-3 pangunguna ngunit ipinanalo ni Corteza ang sumunod na anim na racks upang agawin ang kalamangan at iposte ang 9-6 bentahe.

Nabigong makarekober si Damu-ag na nakalapit lamang sa 7-9 bago na-clean-up ni Corteza ang dalawang huling racks para tapusin ang race-to-11 finals na sponsored ng Barcelona Brandy at Robinson’s Malls.

Si Corteza ay mayroon nang kabuuang P30,000 matapos madagdagan ng panibagong P15,000 bilang champion sa ikalawang sunod na pagkakataon at kung magagawa nitong magkampeon ng 13 sunod pang linggo ay bibigyan ito ng bonus na P1milyon.

Si Damu-ag ay tumanggap naman ng P10,000.

Ang mga losing qualifiers at iba pang talented billiard players ay maaari pang sumali sa susunod na open tournament sa Huwebes sa Omerta Bugsy II Bar and Billiards sa 48 Examiner St., West Triangle, Quezon City.

vuukle comment

BALL BILLIARDS CHALLENGE

BAR AND BILLIARDS

BARCELONA BRANDY

CORTEZA

DAMU

EXAMINER ST.

LEE VAN CORTEZA

OMERTA BUGSY

QUEZON CITY

SI CORTEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with