St. Francis back-to-back champ sa Asian University Championships
June 21, 2002 | 12:00am
Nagpakitang gilas si Ranidel de Ocampo nang kumana ito ng 31 puntos upang trangkuhan ang St. Francis of Assisi College sa 100-86 panalo kontra sa bisitang Yon Sei University ng Korea kahapon sa University Basketball Championship sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang panalong ito ng St. Francis ay ikalimang sunod ng Dove na nag-kaloob sa kanila ng back-to-back championship title.
Kumana rin si de Ocampo ng 11 rebounds na nakakuha ng malaking suporta mula kina Al Vergara na kumayod ng 24 puntos at Erwin Sotto na tumapyas ng 17 puntos.
Agad na ipinamalas ng Dove ang kanilang dominasyon sa pagtutulu-ngan nina de Ocampo, Vergara, Sotto at Roy Billanes na nagtulungan sa 29 puntos na produksiyon sa first half upang kunin ang 47-39 kalama-ngan.
Sa iba pang laro, pinasubsob ng University of Santo Tomas Tigers ang San Sebastian College, 89-70 upang mapasakamay ang ikatlong puwesto sa six-team tournament na inorganisa ng Basketball Association of the Philippines (BAP).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended