^

PSN Palaro

Fil-Am Sports USA susuporta sa 2005 Manila SEA Games

-
Para masiguro ang tagumpay ng kampanya ng bansa para sa mga international sports competition partikular na ang 2005 SEA Games na gaganapin dito, nag-alok ng tulong ang Fil-Am Sports USA Inc., isang korporasyon na inorganisa para sa layuning mag-promote ng mga sports ng mga Filipino na naninirahan sa Amerika.

Ang FASUI na kinatawan ng founder at executive director Dick Padron ay lumagda ng isang Memorandum of Understanding kamakailan sa Philippine Olympic Committee na kinatawan ng kanilang pangulo na si Celso Dayrit.

Nakasaad sa kanilang kasunduan na ang FASUI ang siyang makikipag-koordinasyon sa POC sa mga pangangailangan ng mga Pinoy athletes na nagte-training sa Amerika.

Bilang karagdagan, nag-alok rin ang FASUI na maglulunsad ng mga information at awareness campaign sa buong kontinental ng Amerika upang makilala ang mga top caliber Filipino-American athletes na maaaring eligible na kumatawan sa bansa sa mga international competitions.

Kabilang din sa MOU na dapat ipaalam ng kani-kanilang national sports association ang sinumang atleta na may potential at desisyon kung kanila itong tatanggapin o mananatili ang Fil-Am athlete sa NSA.

vuukle comment

AMERIKA

BILANG

CELSO DAYRIT

DICK PADRON

FIL-AM

FIL-AM SPORTS

FILIPINO-AMERICAN

MEMORANDUM OF UNDERSTANDING

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with