^

PSN Palaro

St.Francis, Yon Sei umusad sa Asian University Basketball

-
Sumulong sa ikatlong sunod na panalo ang Yon Sei University ng Korea at ang defending champion St. Francis Assisi College sa kanilang magkahiwalay na panalo kahapon sa 3rd Asian University Basketbal Championships sa Rizal Memorial Coliseum.

Hiniya ng Yon Sei ang pambato ng bansang San Sebastian College, ang 2001 NCAA champion sa pamamagitan ng 82-68 pananalasa habang pinasubsob naman ng St. Francis ang mapanganib na National University of Taipei, 84-63 sa ikalawang laro.

Naging tinik sa lalamunan ng Stags ang matinik na Koreanong si Jun Byung Suk na siyang tumirada para sa Yon Sei sa kanyang kinabig na 31-puntos.

Sinikap na tapatan ng Baste ang mahigpit na hamon ng mga Korean at nanatiling nakadikit sa 56-59 ngunit muling gumana ang maiinit na kamay ni Byung Suk na umiskor ng dalawang triple upang ilayo ang Yon Sei sa 65-56 at di na muling lumingon pa.

Ang San Sebastian na pinangunahan ni Nurjan-jam Alfad sa paghakot ng 18-puntos katulong si Paul Reguerra na may 15-markers, ay bumagsak naman sa 2-1 panalo-talo.

Makakaharap ngayon ng Yon Sei ang mahinang RP-Burlington Youth Team pagkatapos ng laban ng Stags at St. Francis. Bubuksan naman ng University of Santo Tomas at National University of Taipei ang aksiyon sa alas-2 ng hapon.

ANG SAN SEBASTIAN

ASIAN UNIVERSITY BASKETBAL CHAMPIONSHIPS

BURLINGTON YOUTH TEAM

BYUNG SUK

JUN BYUNG SUK

NATIONAL UNIVERSITY OF TAIPEI

PAUL REGUERRA

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

ST. FRANCIS

YON SEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with