Ateneo pinataob ang Blu Sun Power sa 2002 PBL Chairman's Cup
June 18, 2002 | 12:00am
Binuksan ng Ateneo-Hapee-Negros Navigation ang kanilang kampanya tungo sa titulo sa pamamagitan ng makapigil-hiningang 76-73 panalo kahapon kontra sa Blu Sun Power sa pagbubukas ng kanilang titular showdown sa 2002 PBL Chairman's Cup sa Makati Coliseum.
Humataw si Larry Fonacier sa ikaapat na quarter sa pagkamada ng pitong mahahalagang puntos sa kanyang tinapos na 14 upang ibigay sa Blue Eagles ang 1-0 bentahe sa best-of-five finals series.
Umiskor si Fonacier ng dalawang freethrows mula sa foul ni Aries Dimaunahan upang ibigay sa Ateneo ang 3-puntos na kalamangan at tuluyan nang napasakamay ang panalo matapos magmintis si Eric dela Cuesta sa kanyang ibinuslong triple na sana'y nagsalba sa Detergent Kings.
Muling magsasagupa ang Ateneo at Blu para sa Game Two bukas sa Makati Coliseum.
Sa naunang laro, magiting na nakipaglaban ang Kutitap Toothpaste kontra sa ICTSI-La Salle sa isang overtime game tungo sa 82-76 panalo sa pagbubukas ng kanilang best-of-three series para sa konsolasyong ikatlong puwesto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended