^

PSN Palaro

Talk 'N Text kargado na naman

-
Sa pagkakataong ito, nagsimula sa tamang hakbang ang Talk ‘N Text Phone Pals tungo sa kanilang kampanyang makabangon sa nakakadismayang pagtatapos sa nakaraang kumperensiya.

Di gaya ng kanilang pagsisimula sa nakaraang Governors Cup kung saan sila ay natalo sa opening game at buhat dito sunod-sunod na panalo ang kanilang niratsada upang magtapos sa eliminations bilang no. 1 team, ngunit nawalan lamang ng saysay matapos masibak sa quarterfinal round, umaasa ang Phone Pals na ibang kuwento ang mangyayari sa Samsung Commissioner’s Cup na nag-bukas kahapon sa Araneta Coliseum.

Naitala ng Talk ‘N Text ang buwenamanong panalo nang kanila halos dominahin ang laban sa Shell Velocity tungo sa 89-72 pamamayani sa tulong ng kanilang bagong sandata sa katauhan ni import Danny Johnson.

Humakot si Johnson, ang pumalit sa puwesto ni Richie Frahm ng 27 puntos kabilang ang 4-of-8 three-point shooting na naging mabisang partner ng balik Phone Pals import na si Jerald Honeycutt na tumapos naman ng 29-puntos.

Matapos makipaglaban ng mahigpitan ang Turbo Chargers sa unang canto na kanilang tinapos taglay ang 25-24 bentahe, nagsimula nang kumulapso ang 2-3 zone ng Shell na nagbigay daan sa Talk ‘N Text na makaungos at umabante ng hanggang 23-puntos na kalamangan.

Isinara ng Phone Pals ang first half taglay ang 48-38 kalamangan at pinalobo sa 20-puntos sa ikatlong quarter bago naitala ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 83-60 mula sa tres ni Elmer Lago sa ikaapat na quarter.

Sa ikalawang laro, naging maganda rin ang debut ng Batang Red Bull nang kanilang igupo ang Barangay Ginebra, 81-69. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

CARMELA OCHOA

DANNY JOHNSON

ELMER LAGO

GOVERNORS CUP

JERALD HONEYCUTT

N TEXT

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with