^

PSN Palaro

9-Ball Battle of Champions

-
Malaking pagkakataon ang naghihintay sa mga billiards enthusiasts di lang para kumita kundi para sumikat sa gaganaping pinakamalaking Barcelona Brandy P1M 9-Ball Billiards Challenge sa Huwebes, June 13 sa Omerta Bugsy II Bar and Billiards sa 48 Examiner St., West Triangle, Quezon City.

Inorganisa ng Barcelona Brandy ang nasabing event upang sundan ang naging tagumpay ng P200,000 9-Ball Battle of Champions noong nakaraang Enero.

Sa ngayon, layunin ng Barcelona Brandy na suportahan ang mga grassroots program ng billiards upang makadiskubre ng mga bagong billiards hero sa pamamagitan ng lingguhang kompetisyon.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga kalahok, maging babae o lalaki, bata man o matanda na makaharap ang mga top cue artists na gaya nina Antonio Lining, Snooky Villanueva at Warren Kiamko sa open qualifying round tuwing Huwebes, alas-2 ng hapon sa Omerta Bugsy II Bar and Billiards.

Ang top two finalists ang maghaharap sa championship round tuwing araw ng Biyernes sa Robinson’s Galleria. Ang mananalo ay mag-uuwi ng lingguhang premyo at karapatang harapin ang Barcelona Battle of Champions winner na si Lee Van Corteza sa nasabi ring linggo.

Kung ang kalahok ay mananalo siya ay mabibigyan ng karapatan na maging bagong Barcelona Challenge champion kung saan si Corteza ay sasailalim sa qualifying round upang muling mabawi ang titulo.

Ang kalahok na mananalo ng 15 sunod na linggo ang awtomatikong mag-uuwi ng extra P1M prize money sa event na ito na hatid ng Barcelona Brandy at Robinson’s Mall.

vuukle comment

ANTONIO LINING

BALL BATTLE OF CHAMPIONS

BALL BILLIARDS CHALLENGE

BAR AND BILLIARDS

BARCELONA BATTLE OF CHAMPIONS

BARCELONA BRANDY

BARCELONA CHALLENGE

EXAMINER ST.

HUWEBES

OMERTA BUGSY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with