Hero's welcome kay Pacquiao
June 12, 2002 | 12:00am
Napuno ng sigaw ng pagbubunyi at palakpak mula sa mga tagahanga ang arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang lumabas ang IBF superbantam-weight champion na si Manny Pacquiao mula sa Northwest Airlines flight NW 027 kasama ang kan-yang kabiyak na si Jinkee at ang kanyang manager na si Lito Mondejar.
Isang heros welcome ang iginawad kay Pacquiao nang dumating ito buhat sa matagumpay na pakikipaglaban sa Estados Unidos.
"Idol, Idol, mabuhay ka!" sigaw ng mga tagahanga ni Pacquiao habang naglalakad ito patungo sa immigration area.
May ilang beses ding huminto si Pacquiao upang kamayan ang kanyang mga tagahanga at magpose para sa souvenir photo.
"Unang una, nagpapasalamat ako sa Diyos sa panalong ito, at inihahahandog ko sa ating mahal na Pangulo ang koronang ito," ani Pacquiao.
Naidepensa ni Pacquiao ang kanyang titulo laban sa challenger na si Jorge Julio ng Colombia sa pamamagitan ng technical knockout sa ikalawang round nang pabagsakin nito si Julio ng dalawang beses.
"Malakas ding sumuntok ang kalaban ko. Nakatsamba lang ako ng tamaan ko siya," ang pakumbabang sabi ni Pacquiao.
Ang laban ni Pacquiao ay napanood sa buong mundo dahil isa ito sa supporting bout ng laban sa pagitan nina Lennox Lewis at Mike Tyson kung saan namayani ang una.
Sa ngayon, magpapahinga muna si Pacquiao bago sumailalim sa puspusang pag-eensayo bilang paghahanda sa kanyang susunod na depensa. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended