^

PSN Palaro

Mas marami ang balik-imports sa Governors Cup

-
Magbabalik si Askia Jones at Cedric Webber para sa Shell Velocity para sa kanilang kampanyang makabawi sa kanilang kulelat na pagtatapos sa season-opening Governors Cup.

Isa namang balik PBA import din ang kinuha ng Sta. Lucia Realty sa katauhan ni Stephen Howard upang makatambal ng isang bagitong si Willie Farley.

Kinuha naman ng Ginebra ang serbisyo ng datihan na ring si Silas Mills at isang baguhang si Ben Davis.

Ito ang naghihintay na atraksiyon sa pagbubukas ng Commissioners Cup sa Linggo sa Araneta Coliseum.

Umaasa ang Turbo Chargers na hindi na muling magkakaroon ng problema sa import na siyang nakasama sa kanilang kampanya sa naunang kumperensiya.

Si Howard naman, nakapaglaro sa Utah Jazz sa NBA at naging susi sa tagumpay ng San Miguel Beer sa torneong ito, tatlong taon na ang nakakaraan ang inaasahan ng Realtors na makapagbibigay sa kanila ng karangalan kasama ang katulad niyang may potensiyal na maging eksplosibong si Farley.

Si Farley ay galing sa Fresno State, naging top scorer sa katatapos lamang na Australian NBL upang pangunahan ang Adelaide 36ers sa pag-kopo ng titulo sa kanyang average na 25.7 puntos bukod pa sa pangatlong 2.3 steals per game.

Ito naman ang ikatlong kumperensiya ni Mills sa PBA na unang nagsilbi sa Mobiline Phone Pals noong 1998 Governors Cup na makakatulong ng 6-foot-9 banger na si Davis na nakapaglaro sa Phoenix at New York sa NBA para sa Gin Kings.

Bagong mukha naman ang isasalang ng San Miguel sa katauhan nina Jermaine Tate at Damon Flint habang magbabalik naman si Ron Hale para sa Coca-Cola na papartneran ng isa pa ring bagitong si Bryant Basemore, isang 6’8 Belgium league veteran.

Ang Talk ‘N Text ay baban-derahan ni Jerald Honeycutt katulong ang bagitong si Danny Johnson habang ang dating Best Import na si Tony Lang at Julius Nwosu ang muling babandera sa Red Bull.

Isang 7-foot-3 import na si Priest Lauderdale naman ang kinuha ng FedEx para makasama ni Jermaine Walker habang muling maglalaro si Kelvin Price para sa Purefoods na sasamahan muna ni Gabe Mounik hanggang sa makabalik si Derrick Brown.

vuukle comment

ANG TALK

ARANETA COLISEUM

ASKIA JONES

BEN DAVIS

BEST IMPORT

BRYANT BASEMORE

CEDRIC WEBBER

COMMISSIONERS CUP

DAMON FLINT

GOVERNORS CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with