Isang come-from-behind na panalo ang naitala ng Japan No. 1 cue artist para sa kanyang ikatlong panalo matapos ang apat na pakikipaglaban sa preliminaries upang samahan si Efren Bata Reyes sa semifinal round na magsisimula ngayon.
Nalasap ni Bustamante ang kanyang ikalawang pagkatalo sa kabuuang 4-laro ngunit may pag-asa pa itong makausad sa susunod na round depende sa magiging resulta ng dalawang huling matches ngayon sa pagitan nina Antonio Lining at Earl Strickland at nina Reyes at Corey Deuel sa huling laro nga-yon.
Sakaling magtablatabla sa 2-2, magbibilangan ng racks ang mga players at ang pinakamataas ang papasok sa semis.
Nasayang ang 6-4 bentahe ni Bustamante nang matapos ipasok ang 9-ball off the break at karambolahin ang 9 sa rack 9 at 10 nang hayaan nitong kunin ni Takahashi ang tatlong sumunod na racks.
Halos abot kamay na ni Bustamante ang semis slot nang suwertihin ito sa break sa deciding rack 13 ngunit umalog ang kanyang tira sa 5-ball at bagamat nabigyan pa ng pagkakataon nang magmintis din si Takahashi, na-bad shot naman ang Pinoy na siyang tuluyang nagbigay sa Japanese cue artist ng panalo.
Sa unang laro, tinalo naman ni Mika Immonen ng Finland si Dennis Orcullo, 7-1.