Takahashi tinakasan ni Reyes para umusad sa semis
June 9, 2002 | 12:00am
Umusad sa semifinal round si Efren Bata Reyes nang kanyang pabagsakin ang No. 1 player ng Japan na si Kunihiko Takahashi, 7-4 sa pagpapatuloy ng preliminary round ng Motolite 9-Ball World Challenge sa Araneta Coliseum kahapon.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ni Reyes, ang 1999 World 9-Ball Champ at top cue artist noong nakaraang taon base sa kanyang total earnings, matapos igupo sina Earl The Pearl Strickland ng USA at Mika Immonen ng Finland sa iskor na 7-4 din.
Dahil dito, naipaghiganti ni Reyes ang naging kabiguan ng kanyang mga kababayang sina Dennis Orcullo at Antonio Lining na parehong tinalo ni Takahashi.
"Inunahan ko na siya," wika ni Reyes. "Ayaw ko namang maging ikatlong biktima niya. Buti na lang at lucky break ako at medyo minalas siya kasi dalawang beses siya na-scratch."
Maagang umabante si Reyes nang kanyang kunin ang 3-0 kalamangan ngunit nakabangon si Takahashi nang kanyang itabla ang iskor sa 3-all.
Pinigilan ni Reyes ang pag-ahon ng Japan top cue artist nang mabilis niyang tinapos ang rack 7 nang kanyang kombinasyunin ang 9-ball sa tres upang kunin ang kalamangan tungo sa kanyang 6-3 bentahe.
Nagtangka pang bumangon si Takahashi nang kanyang kunin ang rack 10 ngunit sinuwerte si Reyes sa kanyang sargo at minalas naman si Takahashi na parehong na-clean up ng RP No. 1 cue artist tungo sa kanyang tagumpay.
Susunod na kalaban ni Reyes ay si Corey Deuel ng USA sa ikaapat at huling laro ngayon sa dakong alas-4:00 p.m.
Nauna rito, nakabawi naman si Lining sa kanyang dalawang sunod na kabiguan matapos pabagsakin si Immonen, 7-6.
Hindi naman nagpadaig si Orcullo sa kanyang mga kasamahan nang kanyang pataubin ang pambato ng US na si Strickland sa pamamagitan ng 7-5 panalo. (Ulat ni Carmela Cchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am