Nailista ng Detergent Kings ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa limang laro sa semis at ika-10 sa kabuuang 16-pakikipaglaban na nag-lapit sa kanila sa karapa-tang harapin ang no. 2 team sa bisa ng 5-of-eight incentive rule ng liga.
Lalo namang nabaon ang Power Boosters sa pangungulelat na nananatiling bokya pa rin sa semis sanhi ng kanilang 6-10 win-loss record.
Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Blu upang makakuha ng play-off ticket at kung maidederetso nila sa tatlong panalo ay awtomatikong finals slot ang naghihintay.
Nanatiling may banta ang Shark sa 58-60 matapos ang triple ni Ismael Junio ngunit nakahugot ng foul si Aries Dimaunahan kay Junio at umiskor ng split shots para sa final score, dalawang segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro. (Ulat ni Carmela C. Ochoa)