^

PSN Palaro

Korona napanatili ni Rubillar

-
Napanatili ni WBC International junior flyweight champion Juanito Rubillar ang kanyang titulo sa pamamagitan ng third round technical draw kontra challenger Joma Gamboa sa kanilang title clash sa punong-punong Grand Flash Ballroom ng Elorde Sports Center sa Parañaque City noong Biyernes ng gabi.

Isang accidental head-butt na nagresulta ng pagkakasugat ng ulo ni Gamboa na mayroong 31-7-2, 22 knockouts ang naging mitsa ng pa-nalo ni Rubillar na napaganda ang kanyang ring record sa 26-8, 8KOs kung saan siya ay mapapasabak para sa WBC junior fly title ngayong taon.

Gamit ang isang malakas na right punch, umiskor si Rubillar ng natatanging knockout sa third round, subalit ito ay aksidenteng tumama sa ulo ni Gamboa at napaluhod ito na naging daan upang tapusin na ng referee na si Bruce McTavish ang laban ng dalawa.

"A right punch landed first before a clash of heads happened almost simultaneously, so I ruled it as knocked down," pahayag ni McTavish, isa sa top 100 referees sa daigdig ngayon.

Bagamat may tapal na bandage, pinilit pa rin ni Gamboa na lumaban kahit duguan, pero siya ay binilangan ni McTavish ng mandatory eight count at matapos na umakyat sa ibabaw ng ring ang doktor upang suriin ang kanyang sugat, inabisuhan ni Dr. Naseer Cruz si McTavish na itigil na ang laban may 2:29 ang nalalabi sa third round.

Sa iba pang laban, nakuha naman ni Archiel Villamor ang interim Pan Asian Boxing Association (PABA) flyweight title via unanimous decision kontra Jerry Pahayahay sa kanilang 12-round bout.

Ang mga judges ay umiskor ng 116-113, 115-113, 116-113 pabor kay Villamor.

Sa undercard, kapwa pina-tigil nina WBC International champions flyweight Randy ‘Destroyer’ Mangubat at minimumweight Ernesto ‘Hard Rock’ Rubillar ang kani-kani-lang mga kalaban.

Tinalo ni Mangubat si Ramie Laput sa pamamagitan ng technical knockout sa first round, habang pinabagsak rin ni Ernesto si Flash Villacura sa 1:16 ng first round.

vuukle comment

ARCHIEL VILLAMOR

DR. NASEER CRUZ

ELORDE SPORTS CENTER

ERNESTO

FLASH VILLACURA

GAMBOA

GRAND FLASH BALLROOM

HARD ROCK

JERRY PAHAYAHAY

RUBILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with