^

PSN Palaro

Quirimit top overall

-
LUCENA CITY--Ipinamalas ni Arnel Quirimit ang kanyang pagka-

beterano at husay sa akyatan sa matarik na "Tatlong M" na nagbigay sa kanya ng green jersey makaraang mapagwagian ang ikalawang yugto ng FedEx Express Tour ng CALABARZON na nagmula sa Batangas City at nagwakas sa bayang ito.

At tulad ni Quirimit, hindi rin nagpahuli ang kasama sa National rider na si Santi Barnachea ng Visayas team na siya namang nagsuot ng yellow jersey na sagisag ng pangkalahatang pamumuno.

Nakuha ng National team na pawang mga Pangasinense ang 1, 2, 3 place sa lap makaraang ikatlong tumawid sa finish line si Alfie Catalan ng NCR team  4:11.22.

Ang National Team member na suot ang uniporme ng Nueva Vizcaya Team na si Quirimit ay pumadyak sa bilis na 4:06.17 para pagharian ang lap na dumaan sa matarik na "Tatlong M" sa Atimonan, Quezon habang pumangalawa naman si Barnachea sa oras na 4:06.19 na nagbigay sa kanya ng pangkalahatang pamumuno sa tiyempong 8:24.01 .

"Okay yung mga suporta ng teammate ko. Wala namang naging problema. Specialty ko talaga ang pag-ahon. Doon ako malakas kaya doon ako bumirit." Anang 27 anyos na tubong-Pozurrubio, Pangasinan at siya ngayong may hawak ng pinakamaraming puntos para sa titulong ‘King of the Mountain’

Si Quirimit ay may naipon na kabuuang 17 puntos habang di nakakalayo sa ikalawang puwesto sina Barnachea at Bernard Luzon sa kanilang 11 puntos bawat isa.

"Pipilitin kong makakuha bukas (ngayon) ng mabilis na oras para madagdagan ang naipon kong oras at mapalakas ang aming kampanya para sa team title," dagdag pa ni Quirimit.

Kapansin-pansin na hindi nakasama si Warren Davadilla sa unang pulutong ng mga siklistang tumawid sa finish line at nawawala rin sa listahan ng top ten overall.

Pinatatag ng Nueva Ecija team ang kanilang kapit sa team overall makaraang makaipon ng kabuuang 25:32.38.

Habang nakuha ni Barnachea ang pangkalahatang pamumuno, pu-mapangalawa naman sa kanya si Quirimit na may deperensiyang 2.07 segundo sa kabuuang oras na 8:26.08 habang nasa tersera si Albert Primero ng Nueva Ecija team na kabuuang 8:30.05.

Limang miyembro ng National team ang kasa-ma sa top ten overall. Sina Quirimit, Barnachea, Reynante, Emelito Atilano at Merculio Ramos.

Samantala, isang siklista ang di na maari pang makapagpatuloy ng karera matapos na ito ay makasagasa ng isang aso at maipit ang kanyang mga paa.

Magpapatuloy ang ikatlong yugto ng karera ngayon na tatampukan ng individual time trial

ALBERT PRIMERO

ALFIE CATALAN

ANG NATIONAL TEAM

ARNEL QUIRIMIT

BARNACHEA

NUEVA ECIJA

QUIRIMIT

TATLONG M

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with